Friday, March 31, 2006
Last day kahapon... Ayoko mawalay sa inyo!!!
Habang tinatype ko ang mga letra at salitang ito sa pc ay naiinis ako kasi dapat kahapon ko pa 'to nai-post ngunit ngaun ko lang naisip at nasa akin na ang pagkakataon kahapon kaya naiinins talaga ako!!!
Mamimiss ko ang Einstein-III lalo na ang mga taong nandun na naging malapit sa puso ko tulad nila Drazen, Selah, Greg, Kelvin, etc.(Kim, JV, Juan, etc.)
Huli na nga ba ang lahat sa Lunes??
Sa tingin ko hindi sapagkat may mangyayaring malaking bagay sa Lunes na sana'y magpabago sa estado ko...
Ang Einstein-III ay naging isang malaking bahagi ng buhay dahil sa maraming bagay na naibigay sa akin ng pagkakataong makakilala ng mga taong naging mabuti at "kumalinga" sa akin. Siguro sa aking pag-alis may mga taong di ko talaga malilimutan simula ng makilala ko sila at gaya ng sabi eh lalo na yung mga taong naging malapit sa puso ko.
Paano mo ba lilimutin ang mga taong naging bahagi ng buhay mo??
Mahirap sapagkat hindi naman talaga kailangan dahila nga ang mga taong ito sa buhay natin ay nagbigay saya, hirap, lungkot, hilahil, ligaya at maraming pang karanasan...
Naging makabuluhan at masaya ang taong 2005-2006 sa Einstein-III.
Para sa lahat ng Einstein-III ay maraming salamat sa inyo sa isang maganda, masaya at napakaligayang Pangyayari sa buhay ko!!!!!!!!!!!!!
posted - 1:20 AM



